Ang Gabay ng Blogger sa SEO
Isinulat nina Aaron at Giovanna Wall (English Version)
Mga Seksyon
- Panimula
- Ano ang Alam ng Google tungkol sa Blog mo
- Bakit kakaiba ng Blog kesa sa mga Static Websites
- Pagrehistro ng Domain at Hosting
- Pagsasaliksik ng keywords
- Paano makibagay at sumunod Uso
- Pagsulat ng malinaw at Kaayayayang mga Headline
- Paano gawing mas Epektibo ang site sa pag bago ng istruktura nito
- Web Analytics
- Mga Kontrobersya
- Ang pag gamit ng istratehiyang Push Marketing matapos malathala ang Website
- Epekto ng Networking o Pakikisalamuha
- Mas malalim na Pag aaral patungkol sa SEO
Panimula
Datapwat sumulat kami ng 300+ na pahinang libro patungkol sa SEO, sapat na ang humigit kumulang sa labingdalawang pahina para maintindihan at maipaliwanag kung paano maisasagawa ang SEO para sa isang blog. Bakit kamo? Kasi habang bumubuti ang teknolohiya sa layonng paghahanap sa Internet, ang Google at ibang pang search engine ay nakakakuha ng mas maraming datos para mag mungkahi at i-ayos ayon sa rango ang mga blogs batay sa kung gaano ka lalim ang pagtitiwala ng madla sa mga blogs na ito.
Ano ang alam ng Google Patungkol sa Iyong blog
Mga Pagmamayaari ng Google
Napakaraming paraan at panukat ng mga search engines para sukatin ang pagtitiwala ng madla sa mga blogs. Marahil ay mas maraming alam ang Google tungkol sa blog mo kaysa sa iniisip mo. Pakatandaan na ang Google ang nagmamayari ng
- numero unong search portal sa daigdig
- nangungunang serbisyong email
- nangungunang customized home page
- nangungunang feed reader
- nangungunang feed management system
- ng nangungunang produckto para sa analytics
- ang pinakamalaking distrbusyon ng paskil at anunsyo
- ang pinakamalawak na traffic monitoring toolbar ayon sa paggamit
- pinkamalaking hosting video sa Internet; at
- kumukha ng datos ang Google sa milyon-milyon nitong accounts sa mga taga subaybay nito araw araw.
Pagkuha ng Pagtitiwala batay sa Datos ng User
Kung ang isang user mula sa Google ay nag pasyang sumubaybay sa iyong blog, gaano ba dapat kalalim ang tiwala ng Google sa user na ito ayon sa kanyang pagsubaybay at attensyon.Dapat kaya gawing batayan ang subskripsyon na iyon sa pagtitiwala? Gaano ba sila katagal susubaybay? Gaano sila kadalas bumisita o dumalaw sa iyong site? Alin pang ibang site ang kanilang sinusubaybayan? Alin-alin pang mga sites ang kanilang binibisita at dinadalaw? Gaano kadalas ang kanilang pag gamit ng email at pag gamit ng search engine?
Kung ang isang blog ay nagpasyang sumama bilang isa sa iyong mga links,gaano ka laking pagtitiwala at pag papahalaga ang dapat ibigay ng Google sa link na yaon bilang puntos para makatulong pagpapataas ng hanay ng iyong site? Mayroon bang mga sikat o katiwatiwalang mga blogs na nakasama sa links ng mga ito? Ilang tao kaya ang sumusubaybay sa kanilang RSS feed?
Marahil ay masasagot ng mga serbisyong tulad Bloglines or MyBlogLog ang ilan sa mga katanungang ito, tiyak na masasagot ito ng Google kung ihahambing sa ibang kumpanya.
Bilang karagdagan sa mga datos sa itaas, Alam ng Google ang edad ng iyong site, gaano ka kadalas makagawa ng lathala, at gaano kabilis o kabagal lumago ang iyong link profile.
Bakit kakaiba ng Blog kesa sa mga Static Websites
Ang SEO para sa isang blog ay kakaiba sa mga nakasanayan na nating mga website, ito marahil ay dulot ng sosyal na elementong nakapaloob sa technolohiya ng blog. Ang SEO para sa blog ay hindi patungkol sa mga links na nag eenganyong bumili o ukol pag daya ng halos hindi perpektong technolohya ng paghahanap sa Internet.Ang SEO para sa isang blog ay naka sentro sa pagbigay sa madla ng paksang mapag uusapan at ang lumkha ng bagay na karapatdapat sa attensyon at positibong pagpuna.
Ang Sosyal na katangian ng mga Blogs
- Pinapadali ng RSS at mga feed readers ang pagsubaybay sa lahat ng sulating iyong nilathala, at magbigay ng anunsyo sa sandaling malathala na ito.
- Karamihan sa mga taong nagbabasa ng blog ay nagsusulat din, at karamihan sa mga ito ay may daan-daang taga subaybay. Kung ang ilan sa mga respetadong bloggers ay tagasubaybay mo, ito ay magdudulot ng sanlaksang epekto dahil kadalasan ang kanilang mga taga subaybay ay nababasa din at pinag uusapan ang iyong lathalain.
- Ang mga sikat na blog ay kumukuha ng reaksyon at suhestiyon sa kanilang mga taga subaybay, ang bawat lathala ay maaring merong daan daang komento at reaksyon, na siyanng nag daragdag ng paksa sa pag hanay ng iyong pahina.
- Ang pagiging epektibo ng isang blog para sa SEO ay mas nakasentro sa pagkuha ng attention at makakuha ng credto sa pag papakalat ng mga ideya kesa sa pag reribisa ng site para tumugma sa mga search algorithms.
Pagrehistro ng Domain at Hosting
Ang mga sebisyo tulad ng TypePad, Blogger, and Wordpress.com ay pumapayag na ilathala ang iyong site bilang subdomain kanilang sites. Babala huwag gawin ito. Ang ilan sa mga serbisyong ito ay di pumapayag na maglagay ng mga paskil at anunsyo at minsan ay limitado pa ang mga kagamitan para mapalago ang iyong site. Maaring tumagal ng ilang buwan o ilang taon bago ka makakuha ng maraming tagasubaybay. Mas mabuti pa marahil ang mag simula ka ng blog sa sarili mong domain name at ilathala ito sa mapagkakatiwalaang web host.
Maaring i-rehistro ang iyong sariling domain name ng mas mababa pa sa $10 sa GoDaddy.com. ang Dreamhost is ay isa sa mga murang web host, at napaka daling mag tayo ng Wordpress para sa iyong mga lathalain at blogs, isang pindot lang at may blog ka na.
Pagsaliksik ng Keyword
Traditional na gamit sa pagsaliksik ng mga Keyword
Napakarami ng mga kagamitan para sa pag sasaliksik ng mga keyword, mayroong libre at may bayad. Marami sa mga kagamitang ito, gaya ng Wordtracker, ay nagpapakita ng mga keywords na kalimitang hinahanap ng mga tao sa Internet.
Mga Gamit sa pagsasaliksik na batay sa Uso at Sikat
Bilang isang blogger, hindi ka lang naghahanap ng kung ano ang popular sa mga nagdaan, dapat ay hanapin mo rin kung ano ang uso,sariwa at napapanahon. Maaring kumalap ng mga balita kung ano ang uso at napapanahon sa pamamagitan ng pag gamit ng mga search engine tulad ng Technorati, Google Blog Search, and Google News. Ang mga serbisyo tulad ng Google Trends and Yahoo! Buzz Index ay siyang magpapakita sa iyo kung alin sa mga keywords ang kadalasang hinahanap ng madla sa kasalukyan.
Saan dapat ilagay ang keyword sa iyong mga lathalain
Dapat na tandaan na mahalagang ilagay at gamitin ang keywords sa titulo ng iyong pahina o kundiman ay malapit dito.Maari mong magamit ang iyong keywords, magkakaugnay na salita o popular na keywords sa nilalaman ng iyong website o pahina, pero kailangan e natural pa rin ang istilo ng pagkakasulat. Dapat pakatandaan na ang iyong nilalaman ay kailangang kaayaaya at madaling basahin para sa mga tao, ito ay mas mahalaga kaysa sa pananaw sa iyong nilalaman ng isang robot o bot.Nang sagayon kung magustuhan man ng madla ang iyong sulatin, mas malamang sa hindi na sila ay sumubaybay at pumayag na makipagpalitan ng link sa iyong website.
Ang mga regular na kagamitan sa pananaliksik ng keyword ay magpapakita ng mga sikat na salita at pang-uri, may ibang mga kagamitan na tulad ng Quintura kung saan mas madali ang makita ang kaugnayan ng mga keywords sa pinakamataas na resulta ng mga paghahanap.
Paano makibagay at sumunod sa uso
Meme Trackers
Aling mga ideya ba ang kumakakalat at sikat sa ngayon? Sino ang nasa gitna ng usapin sa mundo ng blog? TechMeme and TailRank ay mga serbisyong nag bibigay pansin sa mga pinakabago at pinakapopular na mga lathala sa blog. Mayron ding mga meme trackers na nag hahanay ng mga blog ayon sa paksa. The World Bank ay naglunsad ng kanilang BuzzMonitor bilang isang libre at open source na program na naglalayong pahintulutan ang siniumang gumawa ng isang meme tracker.
YouTube
Ang YouTube ay naglalathala ng pinakapopular, pinakapinaguusapan at pinakapaburitong mga video sa ngayon. Marami sa mga ito marahil ay walang kinalaman sa iyong site, pero alin man sa kanila ay makakatulong upang makapaghanap ka ng mga ideya na mayroon nang naipakitang kahalagahang sosyal.
Mga Site na may Balitang Sosyal
The Digg homepage, Del.icio.us Popular list, and StumbleUpon Buzz ay nagpapakita ng mga ideya na minsan ay naging sikat sa mga social bookmarkers. Ang Pligg ay ginagawang mas madali ang pag gawa ng niche social news sites. (lugar kung saan ang balita ay ukol sa pakikipagkapawa tao)
Isentro ang Pansin sa mga kakumpetisyon
Hindi kailangang lilista o tandaan lahat para maging matagumpay. Ang kailangan lang ay maging at mapagmasid sa nangyayari sa iyong iyong mga katungali at taga subaybay. Kung ikaw ay makakabasa ng labingdalawang blog sa na nasa iyong kategorya, tandaan kung sino ang nakakakuha ng mga links at bakit sila pinaguusapan ng madla, ito ay magpapadali sa iyong pagkilala sa mga ideya at nilalaman na karapat dapat na mabanggit.
Madali lang pumatnubay sa mga nagtutungaling blog kung gagamit ka ng mga feed readers gaya ng iGoogle, Google Reader, or Bloglines Maaring makita ang mga links na nagtuturo sa mga magkatungaling blogs sa pamamagitan ng pag gamit sa Technorati o Google Blogsearch.
Ang Pag diskubre sa panibagong ideyang Ilalathala
Gamitin ang mga nabangit na popular na links para malaman kung bakit kumakalat at sumisikat ang mga ideya sa magkakaugnay na kategorya ng blog at mga na minsang sumikat. Sa pagsasaliksik magging magdali na pagtagpi-tagpiin ang mga ideya para sa iyong mga taga subaybay para makabuo ng panibago at maganda at kahindikhindik na ideya. Bawat piraso ng nilalaman na iyong makikita(pagbabasa sa Internet, sa mga libro, magasin at propesyonal na pagtitipon at pagpupulong atbp) ay mapagkukunan ng inspirasyon. Laging magdala ng kamera, papel at panulat saan ka man magtungo.
Maaring makibalita sa kung ano ang uso sa larangan ng pag bloblog kung babasahin ang ProBlogger and Performancing ni Darren Rowse.
Pagsulat ng Kaayaayang Headline
Cory Doctorow, sikat na manunulat ng science fiction and blogger ng Boing Boing, ay nag sabi ng ganito sa isang panayam:
Sumulat nang Headline na parang ikaw ay manunulat para sa isang wire service.
Ang mga headlines na naglalarawan ay tumutulong na mailagay sa konteksto ang iyong lathalain, at ma maraming tao ang bibista sa iyong site pag ito ay lumabas sa resulta ng paghahanap ng isang search engine
Maari mo mo ring hulihin ang emosyon ng iyong mga magbabasa sa iyong mga headline, pwede mong gamitin ang iyong healine para mag usisa at mag tanong o mangakong makapagbibigat ng solusyon sa isang suliranin. May suhesyon at mga pormula si Brian Clark para sa matagumpay na paggawa ng mga headlines sa kanyang Magnetic Headlines series.
Paano gawing mas Epektibo ang site sa pag bago ng istruktura nito
Itampok ang iyong Pinakamagandanbg Nilalaman o artikulo
Hangang noong Septembre ng 2007 ang aking homepage ay ang unang pahina at pinakabago kong sulatin at blog, ito ay hindi kaaya-aya sa mga taong bagong salta pa lamang sa aking website. Kung ikaw ay gagawa ng blog, mas maganda kung gagawin mo ring kaayaaya ang iyong paunang pahina para sa mga bagong bisita. Gabayan sila upang matuto, ipakita sa kanila kung saan sila dapat mag simula at itampok ang iyong pinakamagandang nilalaman.Kung sakaling lumago ang iyong site at maging isang negosyo, mamuhunan para makagawa ng mga kagamitan, magdagdag ng forum at iba pang seksyon para maging lugar para sa palitan ng kuro-kuro idea at suhestiyon, para masiguro na babalik ang bisita sa iyong website.
Marami sa mga bog sites ang nagpapahintulot na itampok mo ang iyong pinakapopular na lathala.Ang pagtampok sa iyong pinakasinusubaybayang artikulo ay nailalapit ang iyong taga subaybay sa pinakamagandang nilalaman ng iyong blog, at nagbibigay ng karagdagang bigat para sa link equity ng mga pinakamaganda mong artkulo, na siyang maaring maging daan para mahanap ng madla ang iyong site sa pamamagitan ng iyong pinakamagandang lathala.
Marami marahil sa mga nagbabasa sa iyong site ay mga bagong salta lamang doon. Ang pag tampok ng mga naisulat nang paksa magbibigay ng daan upang maintindihan nila ang balangkas ng iyong pag iisip at saloobin ng hindi na kinakailangan pang ipaliwanag o isulat ito ulit. Kung halimbawa namang pinahihintulultan mong gamitin ng ibang website ang iyong artikulo o kung sakali mang nakawin o kopyahin ang alin man sa iyong inilathala, ang pagbabaliktanaw sa mga naisulat na ay nakapagpapataas ng iyong links ng libre na makapagpapataas sa iyong hanay sa resulta sa mga search engine.
Pigilan/Huwag ipakita ang dobleng lathalaan
sa videong ito nabigay si Michael Gray ng mga mungkahi kung paano gagawing mas epektibo ang Wordpress blogs
- Ilagay ang nilalaman sa isang kategorya lamang
- Gamitin ang “Wordpress more feature†para ipakita ang katiting ng iyong lathalain sa pahina ng categorya.
- Gamitin ang robots.txt para huwag ipakita ang mga double or nadobleng pahina ng iyong website.
Si Joost de Valk ay mayroon pang karagdagang mungkahi para sa Wordpress blogs sa kanyang Wordpress SEO guide.
Babala: Kung ikaway baguhan pa lang sa paggamit ng robots.txt makabubuting siguraduhin na papahintulutan mo pa rin ang mga artikulong may nga petsa sa kanilang URLs. Ipagpalagay na natin na naka pinahintulutan mo ang post slug URLs at gumagamit ka ng mga kategorya,ang isang robots.txt para sa isang wordpress blog ay maaring ganito:
User-agent: * Disallow: /*p= Disallow: /*q= Disallow: /*trackback Disallow: /*feed Disallow: /*wp-login
Kategorya at Tag Pages
Gumawa ng mga kategorya na alinsunod sa keywords ng kalakalang iyong ginagalawan. Ang pag sunod sa ganito ay makakagawa ng balangkas na makatulong para maiangat sa hanay ang iyong category pages ayon sa mga keywords na nakapaloob sa kanila. Kung nakatuon ang paksa ng iyong site sa pagbabawas ng timbang, ang pag gawa ng categorya patungkol sa ehersisyo, mga programang pampapayat, pildoras na nagpapapayat at mga pakaing nakakatulong sa pagpapayat ay nararapat lamang at may katuturan.
Kung gagamitin ang kategorya at ang tag pages siguraduhin na hindi na ito uulit. Halimbawa, hindi magandang gawi ang gumawa ng kategorya na ang pangalan ay link building at pagkatapos ay gamitin rin ang link building bilang iyong tag sa iyong mga pahina. Nakakatulong dn na panatilihin ang billang ng iyong mga kategorya sa bilang na isang dosena o di lalabis sa dalawang dosena, sa halip na gumawa ng daan dadaang categorya at tags tapos kakaunti lang naman ang nailathala dito.
Magkakapit paksa at mga magkakaugnay na lathalain
Marami sa mga blogs ang nakaugnay sa nakaraan at panibagong nilathala. Ang mga links na ito ay mainam para sa mga gumagamit, ito rin ay nakakatulong na mahalungkat ng search engine ang pinakailalim ng iyong site. Ang ilang Wordpress plugin ay nililista ang magkakaugnay na lathala sa ilalim ng pinakabago mo artikulo, na nakakatulong na mahanap ang kaugnay na paksa kung sakaling mapunta sila sa maling pahina.
Fix Page Titles
Marami sa mga content management systems ang naglalagay ng pangalan ng site sa unahang ng pangalan ng lathalain sa titulo ng magkakaibang nalathala sa blog. Makabubuti kung sisimulan ang iyong pamagat ng pinakamainit at may katuturang paksain. Maraming nagkalat na Wordpress plugins na makakatulong para ibahin ang istruktura ng mga pamagat. Ilam sa mga may pangalan na at sikat sa ngayon ay all in one SEO pack at SEO Title Tag.
Analytics: Ulitin ang naunang tagumpay
Ang isang web analytics program ay magpapakita kung:
- sino ang naka ugnay o link sa iyong site
- aling lathalain sila naka ugnay sa iyo
- ano ang hinanap ng madla para matagpuan ang site mo
Kung alam no ang tipo o uri ng mga tao na nakikiugnay sa iyo at bakit nila ninererekuminda ang pumunta sa iyong site, magiging mas madali para sa iyo ang gumawa ng mga lathalain na tinatawag nilang linkworthy, yaong pag iinteresan ng tao at magugustuhan nila kaya sasabihin pa rin nila sa iba. Kung alam mo kung saang paksain ka humahanay ng mabuti sa mga search engine, dapat alam mo rin kung aling mga paksain ka pinagkakatiwalaan ng madla, at kung anong makakaugnay na paksa ang madali kang makakakuha ng mataas na hanay. May ibang mga bloggers na binubutingting ang ibang mga pahina na may matataass na marka sa hanay ng resulta sa search engine para lang maisinggit ang mga pang uri para sa mga keywords, na nakakatulong sa pagpataas ng traffic sa kadahilanang maraming mga salita na ang makikita ng mg search engine.
Libre ang Google Analytics. Gusto ko rin ang Mint, na nagkakahalagang $30 bilang bayad sa pagrehistro bawat site na gagamit dito.Ang Performancing at MyBlogLog ay nagbibigay ng analytics programs na magagamit ng mga bloggers.
Mga Kontrobersya
Maraming mga tao ang hinahayaang diktahan ng takot ang kanilang mgahakbangin, pero yaong mga nagtatagumpay ay kumikilos ayon sa kanilang kutob at pakiramdam.
- Ayaw ng madla sa siga. Ang iba sa takot na mademada o makasakit ng kalooban ng iba. Nang ng ako ay nademanda ang aking pangalalan, katanyagan at kita ay lumaki sa loob lamang ng isang iglap.
- Bahagi ng kalakalan ang Creative Destruction. In a few years people will pay to give away information that I sell today. Business people are worried about defending their copyright, but as the web gets more competitive we are fortunate to even garner enough attention to get copied.
Mayroong mga manunulat na na gumagamit ng stratehiyang ‘god cop bad cop’. Sa viral na videong ito, Michael Arrington ihinhayag niya kung paano cya nasuklam dito. Sukdulan ang kanyang pagkasuklam na inilathala nya ito at ang mga hits na iyon ang nagpayaman sa kanya.
Ang pag gamit ng istratehiyang Push Marketing matapos malathala ang Website
Maging Kagilagilalas
Kung ikaw ay baguhan o bagito sa marketing, basahin mo ang Purple Cow ni Seth Godin para maintindihan mo paano gumawa ng kagilagilalas na mga ideya. Ang mga links ay mga pagbanggit lamang. Kung ikaw ay kagilagilalas darating din ang links, pero kailangan mo pa rin ng push marketing!
Maging Katiwatiwala
Dahil marami sa mga inpormasyon ngayon ang kadalasan ay spam o mga anunsyo at kampanya naging magaling na at matalino ang mga mambabasa sa pagpili ng inpormasyong may kalidad sa isang sulyap lamang.
Kung gagamit ka ng nakasanayang Wordpress design, ito ay maaaring makawalang gana sa iyong mga taga subaybay. Kung ikaw ay bibili o gagawa o gagamit ng propesyonal na template, ito ay nagpapakita na pinapahalalagahan mo ang iyong site at di ka mangingiming mag labas ng pera para mamuhunan sa iyong website. Ang format at desenyo ay nag papakita ng iyong credibilidad.
Ang pagiging abot kamay, pag lista ng iyong pangalang pangkalakal at ang paglathala ng pinagisipang about page ang paglista sa iyong mga nagawa at napagtagumpayan ay nakapagpapadagdag sa tiwala para sa iyong website.
Link Out to Other Blogs
Mas katanggap tangap sa amin ang mga mensaheng pangkalakal na may bahid ng aming kiling at interes. Hindi mo ma sesentro ang iyong hilig kung hindi ka makikipag usap sa isang tao. Maraming bloggers ang ninatandaan ang kung sino ang nakalink sa kanila at aling lathalain iyon.
Ang pakikipag ugnayan sa ibang kapakipakinabang na website ay ang pinakamatipid at pinakaabot kayang uri ng pagkalakal. Wag lang basta mag link sa isang blog. Siguraduhin din na makadadagdag ka sa kahalagahan nito. Magpaliwanag kung bakit sa iyong tinggin ay tama sila o hindi. Maari ding kumalap ng panayam sa respetadong figura sa larangan
Pakikipag ugnayan o Link Building
Tiwala ang halaga ng links para sa mga search engine. Kung kaya mong magbayad, Iminumungkahi ko na lista ang iyong blog sa katiwatiwalang mga directories, special na mga listahan at listahan ng mga blog. Eto ang impormasyon kung paano maglathala maglathala sa general directories, eto pa ang listahan ni Loren Baker para sa pinakamagandang blog directories
Advertise Your Website
Ang kaaunting pagkakilanlan ay nagdudulot ng mas malawak na pagkakilanlan. Ang paggastos ng kaunting halaga para sa pagkalakal ay maaring magdulot ng kasikatan ng iyong blog sa lalong madaling panahon
- Pay per click ay nagpapahintulot sa iyo na bumili ng kaugnay na traffic mula sa search engines.
- AdWords may malaking partner network na ang tawag ay AdSense. Ang pagbili ng targeted ads and Blog Ads ay nagpapahintulot sa iyo na is sentro ang iyong kalalkal sa magkakaugnay na nilalaman
- Mga networks na nagbibigay ng puna gaya ng ReviewMe lay nagpapahintulot sa iyo na bumili ng mga puna sa mgagkakaugnay na lathalain.
- StumbleUpon ads nagdadala ng bisita sa iyong blog sa halagang 1 nickel isang click.
Epekto ng Networking o Pakikisalamuha
Cumulative Advantage
Noong Abril 15,2007, ang social scientist na si Duncan J. Watts ay nag lathala ng articulo sa New York Times na may pamagat na Is Justin Timberlake a Product of Cumulative Advantage? Sa articulong yaon itinampok ni Duncan ang sosyal na aspeto ng ating mga desisyon.
Ang mga tao ay hindi kadalasaang nagdedesisyon ng mag isa. Isa sa mga dahilan ay maraming mapagpipilian sa mundo at kakaunti lang ang pagasa na matagpuan natin kung ano talaga ang gusto natin kung tayo lang mag isa, pangalawa, hindi din naman tayo tiyak kung ano talaga ang gusto natin. At minsan hindi din sapat na ma experiyencya natin ang “pinaka†kung hindi ang kagustuhan nating maexperiencya ang karanasan na hindi nalalayo sa iba.
Dahil sa ganitong mentalidad ng pagdedesisyon, marami ang popular dahil dati na silang sikat.
Sharing Social Proof
- Comments: Kung maraming nag iiwan ng puna at papuri sa iyong site ang mga tao ay ma eenganyo para sumali sa talakayan. Mag lagay ng paskil na Leave a comment o itampok ang pinaka bagong puna para maka enganyo ng iba pa. Ang pag sagot sa commento at puna ay nakapagpapalakas sa gana ng taga subaybay para mag iwan pa ng marami. Ang iba ay nagtutulungan at nag iiwan ng puna sa artikulo ng bawat isa para maging kaayaaya ang kanilang blog..
- Subscriber stats: Kung daan daan o libo libo na ang iyong taga subaybay mas maganda kung ipapakita ito bilang paskil.
- Borrow Authority: Hingi-an ng puna ang mga kagalang galang na tao sa iyong larangan ukol sa iyong proyekto bago ito i lunsad. Kung gusto nila ang iyong idea baka hindi lang cla magbigay ng puna maari din clang tumulong sa pagkalakal nito ng walang bayad.
- Publicize Your Publicity: Kung mapapanood ang iyong blog sa telebisyon o mapapakinggan sa radyo ang pag paskil ng seksyong “as seen in†ay magdadagdag ng tiwala para sa iyong blog.
Add Interactivity
Ang mga tao ay nagbabasa ng blog dahil mas gugustuhin pa nila na basahin ito kaysa sa isang buong libro.Pag may kalakip na larawan at video at pag hatihati ng malalaking parte pamamagitan ng pag gamit ng bulleted list ay magiging mas madaling mabasa at ibahagi ang iyong site.
Ang pakikipag talakakayan at pakikipagtalastasan ay isang paraan para mapag usapan and conversation is a key to future profits. Cory Doctorow on the future of media:
Ngayon sa panahong ito lumakas at lumawak ang kapangyarihan nating mamili dahil sa Internet. Lahat ng mapaglilibangan ay isang pindot nalang. Ang bayad para maghanap ulit ng isa pang alagad ng sining na ang libro,musika o pelikula ay kasing interestante ng kagaya ng sa iyo ay nasa pinakamababa ngayon. Salamat sa mga search engines at hindi mabilang na mga websites na pang taga hangga, tulad ng blog at MySpaces. Ang iyong kagalingan ay matutumbasan ng kagalingan ng iba na maaring mag mula sa kung saan., at kung kailangan mo talagang makipagtagisan , kakailanganin mo ang mahigit pa sa karisma at galing. Kailangan mong makipag talastasan at makipagusap.Sa alin mang larangan na may kinalaman sa sining, tayo ay nakamamalas ng mga kwento ng tagumpay na nag uugat sa pagkikipag usap ng nasabing alagad ng sining sa kanyang mga tagasunod. Pinamatiling buhay ni JMS ang Babylon 5 sa pamamagitan ng pag lalagi sa mga mga news groups ng tagahangga. Ang blog ni Niel Gaiman ay naitatag sa pamamagitan ng pakikipag usap ng sabay sabay sa libo libong mga tagasubaybay. Lahat ng mga musikerong indie na nakasumpong ng katanyagan sa Internet sa pamamagitan ng kanilang mga message board at mga maling list, lahat ng independenteng mga dokumentarista gaya ni Jason Scott, mga manunulat ng komiks gaya ni Warren Ellis kasama ang kanyang LiveJournal, blog at mailing list.
Makiisa sa mga Sikat na mga Channel para makakuha ng pagtitiwala at pagkakailanlan
- Ang mga Community forums ay kadalasang may malalaking daloy ng mga taong nakikibahagi. Ang pakiki-isa sa mga sikat na forums ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na lumabas at makilala. Magandang lugar din ang mga forums para maghanap ng mga bagong ideya para sulatin.Kung marami ang nagtatanong sa forums marahil ang mga katulad na mga tanong ang siya ring hinanap ng marami sa mga search engines.
- Ang pag susulat ng artikulo sa mga sikat na website bilang panauhin ay nagbibigay pahintulot sa iyo para magamit ang kanilang brand equity, user trust at daloy ng tagasubaybay ng walang bayad.
- Ang ibang mga bloggers ay dadaos ng blog carnivals para makakuha ng pagkakilanlan at link equity.
- Ang pag iwan ng mahalaga at napapanahon na mga puna ay maaring magturo dun sa blogger na sumusubaybay sa iyong lathala at ibang mga taong bumibisita sa iyong website.
Ipakita ang iyong kiling
Ang pagkakaroon mo ng hindi matinag at hindi matibagtibag na kiling o paninindigan at tinig ang siyang magiging daan para pagkatiwalaan ka ng mga taong kaparehas mo ng pananaw. Halos (kung di man lahat?) ng mga tanyag na blog pampulitika ay may malinaw na kiling.
Pag antay ng Kita
Kung nilalagay kaagad ng iyong site ang Adsense nito sa ibabaw o itaas ng nilalaman, magiging mahirap o kundi man ay imposible na makakuha hangin na tutulak sa iyo papalaot at makakuha ng iyong parte sa partihan ng kalakalan galing sa mga pinagpipitagang nangunguna sa iyong kalakalan.
Setting Up a Safety Net
Kung maraming tao ang nagbabasa at nagtitiwala sa iyong website, mas kailangan ka ng Google kaysa sa pangangailangan mo sa kanila, kaya mahihirapan ang Google na patawan ka ng anumang parusa dahil sa negatibong epekto na ibibgay nito sa kanila.
Ang Pinakabagong Tampok ni Aaron sa Blogworld tungkol sa SEO
Ang presentationg ito ay nagtatampok ng mga pananaw kung bakit ang pagkuha ng pansin ay napakahalaga sa paglago ng isang blog sa mapaligsahang kalakalan.
Gusto mo pang matuto ng sa SEO?
Ang mga pangunahing hakabang tungo sa SEO ay makailang ulit nang nailathala, Ang apat na sites kung saan makapagsisimula ka ng libre sa iyong pag-aaral ng SEO ay Work.com: Learning SEO, Blogoscoped: The Basics of Search Engine Optimization, SEOMoz: The Beginner’s Guide to SEO, at Dan Thies’ SEO Fast Start. Kung hindi naman abala sa iyo ang pagbabayad ng matrikula ang aming SEO training program ay makakatulong na ikaw ay matuto sa paraang maari kang makisalamuha sa ibang tao magtanong, magmungkahi at makipagtalakayan.
Kami ay may blog patungkol sa SEO at Internet Marketing dito, at si Lee Olden ay may Napakalaking listahan ng mahigit kumulang 400+na mga blog patungkol sa paghahanap sa Internet. Sumubaybay sa aming RSS feed para hindi ka mahuli sa mga balita patungkol sa search engine.



Leave a Reply